To our professor, adviser, and mother

She was the reason why I started writing for myself again, which I’ve stopped doing since I entered this university. She made me realize that writing is never painful when every word speaks of the truth and shows what and who you really are, not what others expect you to be. She was not just a professor. She was a mother who encourages, a friend who understands, and a mentor who gives her smile to every student, whether he/she is in her class or not. I guess words are not enough to describe how great a person she was. I’ll never forget her, and most specially, her smile.

Mahirap pala’ng sumulat ng tula
para sa isang taong napakaraming nagawa
napakaraming pinahanga’t pinasaya
at ngayo’y napakaraming pinaluluha.

Mahirap hanapin ang tamang salita
Kung ang puso’y nagluluksa
Kahit mga salita’y nanghihina
Naghahanap ng talinghaga.

Paano nga ba’ng ilalarawan
Sa mga letra ang iyong kabutihan
Kung ang bawat salitang bibitawan
Nagdudulot ng labis na kalungkutan

Sa lahat ng iyong kaibigan
Bawat estudyanteng naturuan
Higit sa lahat, sa iyong minamahal
Isa ka’ng napakagandang tula na walang hangganan

Isang tulang kailanma’y di pagsasawaan.
Ang bawat linya’y babalik-balikan
Ang mga saknong ay paulit-ulit pagmamasdan
Gaya ng ‘yong ngiting kay hirap kalimutan.

Ngunit gaya ng tula’y di ka mawawala
Mananatili ka sa bawat sulok ng aming silid-aralan at kaisipan
Akala mo ba ika’y mapapalitan?
San ba kami kukuha ng isa pang Chit Simbulan?

Ma’am, salamat sa alaala
Sa pagbabahagi ng iyong karunungan at nakakakiliting tawa
Sa pagiging isang mabuting halimbawa
Sa bawat isa sa aming nangangarap tularan ka.

Nakakalungkot nga palang talaga
Ang magpaalam nang hindi handa
Lalo’t di ka pa namin nakitang nagsuot ng lila at natutong dumura
Sa iyong pagtanda, gaya nga ng sabi mo sa isang tula.

Ngunit ano ba naman ang panandaliang pamamaalam?
Kung isang araw tayo’y muling magkukwentuhan
Muli, ang iyong mga ngiti’y masisilayan
At minsan pa’y itutuloy ang iyong tulang di nagkaro’n ng katapusan.

Ngayon, nakikita mo man kaming lumuluha
Nasasaktan sa iyong pagkawala
pero alam naming dapat kami’ng maging masaya
sapagka’t sa aming mga buhay, naging bahagi ka.

Paalam, Ma’am
Hanggang sa muling pagkikita.
Saan ka man naroroon ngayon
Sana’y nakangiti ka.

PS.
Ma’am, paki-edit na lang ang aking abang tula.

– Suzette Dalumpines
Member, External Affairs Committee, AY 2011-2012

0 Shares:
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You May Also Like
Read More

A triumph of hope

It has been 30 years, yet Arturo Lumbre could still vividly remember the soldier he came face-to-face with:…